Date

Mar 18 2022
Expired!

Time

10:00 am - 12:00 pm

OPEN Talk features “From Marites to Maricon: Kontra-Disimpormasyon sa Eleksyon”

Tampok sa espesyal na episode ng OPEN Talk ang tungkol sa disimpormasyon at eleksyon. Pag-uusapan ang patuloy na disimpormasyong nagaganap habang papalalapit ang nasyonal at lokal na eleksyon sa Pilipinas.

Ano ba ang epekto ng disinformation sa pampulitikang kamalayan ng mga Filipino? Bakit at paano patuloy na lumalaganap ang mga maling impormasyon? Paano ba lalabanan ang disimpormasyon?

Eto ay ilan lamang sa mga tanong na tatalakayin, kasama ang mga sumusunod na tagapagsalita:

• Dr. Joane V. Serrano, Director, Office of Public Affairs, UP Open University
• Mr. Bash Yumol, Data Scientist and Member, Computer Professionals’ Union (CPU)
• Prof. Eileen G. Meneses, Faculty Member, Department of Humanities, UP Los Baños

Makakasama din sa OPEN Talk si Mr. Ian Raphael Lopez ng UPLB Perspective bilang moderator.

Ang episode na ito ay hatid ng
• All UP Academic Employees Union – Los Baños
• All UP Academic Employees Union – Open University
• Akademya at Bayan Kontra-Disimpormasyon at Dayaan (ABKD)
• UPVote, at
• UPOU Multimedia Center

Ang OPEN Talk ay mapapanood sa ika-18 ng Marso 2022, mula ika-10:00 hanggang ika-12:00 ng tanghali (GMT+8) sa networks.upou.edu.ph/opentalk at sa https://www.facebook.com/UPOpenUniversityNetworks

Go to Top