UPOU FEd at SWF-UPD, Nag-aalok ng mga Kursong eTULAY-FILIPINO
Ang University of the Philippines Open University (UPOU) Faculty of Education (FEd) at Sentro ng Wikang Filipino – Unibersidad ng Pilipinas Diliman (SWF-UPD) ay kasalukuyang nagkakaloob ng dalawang bridge course sa ilalim ng proyektong eTULAY-FILIPINO. Isa itong proyektong Open Online Course na naglalayong 1) paunlarin ang paggamit ng wikang Filipino sa pamamagitan ng iba’t ibang teknolohikong paraan at gawain bilang pagsasakatuparan sa mandato ng SWF-UPD kaugnay ng Patakarang Pangwika ng UP, at 2) magbigay ng suporta o umagapay sa kasanayang pagsulat sa Filipino ng mga kasalukuyang mag-aaral sa Senior High School ng UP Integrated School (UPIS) at di-gradwadong mag-aaral ng UP Diliman, UPOU FEd, at piling mag-aaral mula sa ibang yunit ng UP. Para [...]