talaSalitaan Online: Episode 2 – AI Naku! Ang Epekto ng Teknolohiyang Artificial Intelligence sa Wika
Ngayong Oktubre, ihahatid ng Sentro ng Wikang Filipino-UP Diliman (SWF-UPD) at Center for Open and Digital Teaching and Learning ng UP Open University (UPOU-CODTL) ang ikalawang episode ng 𝘁𝗮𝗹𝗮𝗦𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮𝗮𝗻 𝗼𝗻𝗹𝗶𝗻𝗲: 𝗧𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘆𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗪𝗶𝗸𝗮𝗻𝗴 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼, 𝗔𝗸𝗮𝗱𝗲𝗺𝘆𝗮, 𝗮𝘁 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻. Ang Talasalitaan ay regular na talakayan na isinasagawa ng Sentro ng Wikang Filipino-UP Diliman (SWF-UPD) na nagtatampok ng iba’t ibang paksa o isyu na may kaugnayan sa wikang Filipino mula sa iba’t ibang disipina. Nagbabanyuhay ito sa anyong online para maipahatid sa nakararami ang mga napapanahong usapin sa wikang Filipino at ang kaugnayan nito sa mga pangyayari sa akademya at bayan. Para [...]