Ang University of the Philippines Open University (UPOU) Faculty of Education (FEd) at Sentro ng Wikang Filipino – Unibersidad ng Pilipinas Diliman (SWF-UPD) ay kasalukuyang nagkakaloob ng dalawang bridge course sa ilalim ng proyektong eTULAY-FILIPINO. Isa itong proyektong Open Online Course na naglalayong 1) paunlarin ang paggamit ng wikang Filipino sa pamamagitan ng iba’t ibang teknolohikong paraan at gawain bilang pagsasakatuparan sa mandato ng SWF-UPD kaugnay ng Patakarang Pangwika ng UP, at 2) magbigay ng suporta o umagapay sa kasanayang pagsulat sa Filipino ng mga kasalukuyang mag-aaral sa Senior High School ng UP Integrated School (UPIS) at di-gradwadong mag-aaral ng UP Diliman, UPOU FEd, at piling mag-aaral mula sa ibang yunit ng UP.

Para sa UPOU FEd, isa rin ito sa mga programang pansuporta sa mga mag-aaral sa kanilang pagkatuto ng Filipino bilang paghahanda sa mga pormal na kurso tulad ng WIKA 1 (Wika, Kultura, at Lipunan). Para sa eksperimental na pagsasakatuparan nito, dalawang kurso ang pinagtulungang likhain ng FEd at SWF-UPD – ang 1) Batayang Kasanayan sa Akademikong Pagsulat sa Filipino (BKAPF), at 2) Panimulang Kasanayan sa Gramatikang Filipino (PKGF). Sang-ayon sa mga prinsipyo at praktika sa pagdisenyo ng kurso ng UPOU, ginamit ang course team approach, kung saan isinagawa sa loob ng ilang buwan ang pagpapaunlad, pagbubuo, at pagdidisenyo ng dalawang kurso, at talakayan ng mga miyembro ng course development team hanggang sa pagpapatupad nito. Mga maalam na guro ng wikang Filipino at gradwadong mag-aaral ang kinuhang boluntaryong guro o tutor na tutulong at aagapay sa mga rehistradong kalahok.

UPOU FEd at SWF-UPD, Nag-aalok ng mga Kursong eTULAY-FILIPINO

Ang kursong BKAPF ay binuksan para sa mag-aaral noong 8 Abril 2024, na may kabuoang 96 na rehistradong mag-aaral (41 ang mula sa UPD, 39 ang mula sa UPOU, siyam ang mula sa UP Tacloban, apat ang mula sa UPM, dalawa ang mula sa UPIS, at isa ang mula sa UPLB.) Ang nangangasiwa sa kursong ito, kasama ang apat na boluntaryong guro-tutor, ay si Mx. Allan “Nalla” E. Avena, kasalukuyang Kawaksing Mananaliksik ng SWF-UPD. Sa kabilang banda, ang kursong PKGF ay binuksan para sa mga mag-aaral noong 15 Abril 2024, na may kabuoang 122 na rehistradong mag-aaral (29 ang mula sa UPD, 44 ang mula sa UPOU, 42 ang mula sa UP Tacloban, at pito ang mula sa UPIS.) Ang nangangasiwa sa kursong ito, kasama ang 10 na boluntaryong guro-tutor ay si G. Larry Boy “Lari” B. Sabangan, kasalukuyang Kawaksing Mananaliksik ng SWF-UPD.

Ang parehong kurso ay bukas para sa mga mag-aaral nang anim na linggo.

Written by Krista Marie L. Fama ♦  Edited by Asst. Prof. Ana Katrina T. Marcial, Mx. Allan “Nalla” E. Avena, Assoc. Prof. Jayson D. Petras, at Asst. Prof. Charisse T. Reyes ♦ Cross-posted from FED Website

Sustainable Development Goals

#UPOpenUniversity

📢 NOW OPENThe MOOC "𝐁𝐮𝐬𝐢𝐧𝐞𝐬𝐬 𝐂𝐨𝐧𝐜𝐞𝐩𝐭𝐬, 𝐈𝐝𝐞𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 & 𝐭𝐡𝐞 𝐁𝐮𝐬𝐢𝐧𝐞𝐬𝐬 𝐏𝐥𝐚𝐧" officially starts today! This MOOC is available and open for self-enrollment until 8 November 2025.This MOOC will help learners to understand key business concepts, generate innovative and viable business ideas and identify the essential ingredients of a business plan.Take note that this MOOC is free and available for everyone, PLUS you'll learn at your own pace 😉. So let’s get started by self-enrolling today! Certificates will be provided to the qualified completers. ✅ Existing MODeL users can self-enroll today!✅ New to MODeL? Here's how to join:1. Go to model.upou.edu.ph/2. Click “LOG IN” to create a new account.3. Fill out the form with your details. (𝘗𝘭𝘦𝘢𝘴𝘦 𝘮𝘢𝘬𝘦 𝘴𝘶𝘳𝘦 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘪𝘯𝘥𝘪𝘤𝘢𝘵𝘦𝘥 𝘦𝘮𝘢𝘪𝘭 𝘩𝘢𝘴 𝘦𝘯𝘰𝘶𝘨𝘩 𝘴𝘵𝘰𝘳𝘢𝘨𝘦 𝘵𝘰 𝘳𝘦𝘤𝘦𝘪𝘷𝘦 𝘮𝘦𝘴𝘴𝘢𝘨𝘦𝘴.)4. Check your email account to see your confirmation link. (𝘋𝘶𝘦 𝘵𝘰 𝘵𝘩𝘦 𝘵𝘳𝘢𝘧𝘧𝘪𝘤 𝘰𝘧 𝘶𝘴𝘦𝘳𝘴, 𝘬𝘪𝘯𝘥𝘭𝘺 𝘦𝘹𝘱𝘦𝘤𝘵 𝘴𝘰𝘮𝘦 𝘥𝘦𝘭𝘢𝘺𝘴 𝘰𝘧 𝘶𝘱 𝘵𝘰 3 𝘣𝘶𝘴𝘪𝘯𝘦𝘴𝘴 𝘥𝘢𝘺𝘴.)5. Confirm and log in.6. Browse through our website homepage, and select the course you want to enroll in. (𝘚𝘦𝘭𝘧-𝘦𝘯𝘳𝘰𝘭𝘭𝘮𝘦𝘯𝘵 𝘶𝘴𝘶𝘢𝘭𝘭𝘺 𝘴𝘵𝘢𝘳𝘵𝘴 𝘵𝘸𝘰 𝘸𝘦𝘦𝘬𝘴 𝘣𝘦𝘧𝘰𝘳𝘦 𝘵𝘩𝘦 𝘴𝘵𝘢𝘳𝘵 𝘰𝘧 𝘵𝘩𝘦 𝘤𝘰𝘶𝘳𝘴𝘦.)⚠️ Important reminder that we no longer use Google Forms for registration. Please be guided accordingly and follow the steps above for self-registration.Need help? Chat with "Openg" on model.upou.edu.ph.Don’t miss this opportunity to learn anytime, anywhere—enroll today and be part of the future of education!#UPOUMODeL #UPOpenUniversity #MOOCs #elearning #UniversityOfTheFuture #SDG4 #SDG9 #UPOUSDG4 #UPOUSDG9 #upoupublicservice📢 NOW OPENThe MOOC "𝐁𝐮𝐬𝐢𝐧𝐞𝐬𝐬 𝐂𝐨𝐧𝐜𝐞𝐩𝐭𝐬, 𝐈𝐝𝐞𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 & 𝐭𝐡𝐞 𝐁𝐮𝐬𝐢𝐧𝐞𝐬𝐬 𝐏𝐥𝐚𝐧" officially starts today! This MOOC is available and open for self-enrollment until 8 November 2025.This MOOC will help learners to understand key business concepts, generate innovative and viable business ideas and identify the essential ingredients of a business plan.Take note that this MOOC is free and available for everyone, PLUS you'll learn at your own pace 😉. So let’s get started by self-enrolling today! Certificates will be provided to the qualified completers. ✅ Existing MODeL users can self-enroll today!✅ New to MODeL? Here's how to join:1. Go to model.upou.edu.ph/2. Click “LOG IN” to create a new account.3. Fill out the form with your details. (𝘗𝘭𝘦𝘢𝘴𝘦 𝘮𝘢𝘬𝘦 𝘴𝘶𝘳𝘦 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘪𝘯𝘥𝘪𝘤𝘢𝘵𝘦𝘥 𝘦𝘮𝘢𝘪𝘭 𝘩𝘢𝘴 𝘦𝘯𝘰𝘶𝘨𝘩 𝘴𝘵𝘰𝘳𝘢𝘨𝘦 𝘵𝘰 𝘳𝘦𝘤𝘦𝘪𝘷𝘦 𝘮𝘦𝘴𝘴𝘢𝘨𝘦𝘴.)4. Check your email account to see your confirmation link. (𝘋𝘶𝘦 𝘵𝘰 𝘵𝘩𝘦 𝘵𝘳𝘢𝘧𝘧𝘪𝘤 𝘰𝘧 𝘶𝘴𝘦𝘳𝘴, 𝘬𝘪𝘯𝘥𝘭𝘺 𝘦𝘹𝘱𝘦𝘤𝘵 𝘴𝘰𝘮𝘦 𝘥𝘦𝘭𝘢𝘺𝘴 𝘰𝘧 𝘶𝘱 𝘵𝘰 3 𝘣𝘶𝘴𝘪𝘯𝘦𝘴𝘴 𝘥𝘢𝘺𝘴.)5. Confirm and log in.6. Browse through our website homepage, and select the course you want to enroll in. (𝘚𝘦𝘭𝘧-𝘦𝘯𝘳𝘰𝘭𝘭𝘮𝘦𝘯𝘵 𝘶𝘴𝘶𝘢𝘭𝘭𝘺 𝘴𝘵𝘢𝘳𝘵𝘴 𝘵𝘸𝘰 𝘸𝘦𝘦𝘬𝘴 𝘣𝘦𝘧𝘰𝘳𝘦 𝘵𝘩𝘦 𝘴𝘵𝘢𝘳𝘵 𝘰𝘧 𝘵𝘩𝘦 𝘤𝘰𝘶𝘳𝘴𝘦.)⚠️ Important reminder that we no longer use Google Forms for registration. Please be guided accordingly and follow the steps above for self-registration.Need help? Chat with "Openg" on model.upou.edu.ph.Don’t miss this opportunity to learn anytime, anywhere—enroll today and be part of the future of education!#UPOUMODeL #UPOpenUniversity #MOOCs #elearning #UniversityOfTheFuture #SDG4 #SDG9 #UPOUSDG4 #UPOUSDG9 #upoupublicservice ... See MoreSee Less
View on Facebook
Twitter feed is not available at the moment.