UPOU nagdaos ng talakayan tungkol sa pagbabago sa Filipino sa panahon ng digital.Naki-isa ang UP Open University sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong Agosto 2015. Sa pangunguna ng UPOU Cultural Committee, ang "WikiWika: Filipino sa Panahong Digital," ay naganap noong ika-24 ng Agosto sa CCDL Auditorium, UPOU Headquarters, Los Baños, Laguna.
Ang WikiWika ay isang panayam na partikular na nakatuon sa kahalagahan at kalagayan ng paggamit ng wikang Filipino sa panahong digital – sa panahon ng malawak na panghihimasok at paglawak ng gampanin ng teknolohiya, lalo na ng social media at internet, sa buhay ng tao.
Pangunahing mga kalahok sa talakayan ay mga guro sa mga pampubliko at pribadong eskwelahan sa Los Baños, Bay, Calauan at Calamba, na ang itinuturo ay Filipino, Araling Panlipunan, Sibika at Kultura at HEKASI.
Si Dr. Primo Garcia, Chair ng UPOU Cultural Committee, ang naghatid ng pambungad na pananalita pagkatapos awitin ng UPOU Chorale ang pambansang awit. Inilahad ni Dr. Garcia ang layunin ng panayam at binaggit na "Bilang cyber campus ng UPOU, naging misyon ng UPOU ang magbigay ng espasyo para sa pag-aaral ng mga pagbabago sa lipunan dulot ng mga pagbabago sa mga teknolohiyang pang impormasyon at komunikasyon."
Isang audio-visual presentation na pinamagatang "Mga Mumunting Impormasyon Tungkol sa Pilipino, Filipino, at ang Internet" ang nagbigay ng bahagyang kaalaman sa mga guro tungkol sa kasalukuyang katayuan ng wikang Filipino at ng mga Pilipino online. Pagkatapos ng maiksing palabas, inimbitahan na ang mga tagapag-salita sa entablado.
Si Dr. Ramon Guillermo ang unang tagapagsalita. Siya ay isang Propesor sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas sa Kolehiyo ng Arte at Literatura ng UP Diliman. Ang lektyur nya ay pinamagatang "Si Balagtas at ang Wikang Filipino sa Panahon ng Digital na Humanidades." Ipinakita nya ang mga pagbabago sa wikang ginamit sa "Florante at Laura" ni Fransisco Balagtas, at nagbahagi sya ng ilang mga aplikasyon at instrumento na maaaring makatulong sa mga guro sa pagtuturo nila ng Filipino at Panitikan.
Ang pangalawang tagapagsalita ay si Dr. Rommel Rodriguez, Direktor ng Sentro ng Wikang Filipino sa UP Diliman. Ang presentasyon niya ay tungkol sa iba't ibang hamon at opurtunidad na dala ng panahong digital sa wikang Filipino. Ayon kay Dr. Rodriguez, ilan sa mga ito ay ang paglikha ng mga digital textbook, pag-aaral ng mga lokal at dayuhang wika, preserbasyon ng mga wika sa Pilipinas, paglikha ng mga lokal na kaalamang bayan, kolaborasyon sa pagitan ng mga akademikong sektor at mga insitusyon ng estado, at pagsasanib pwersa ng iba't ibang disiplina kung saan ang wika ang magsisilbing tagapagtagni.
Nagkaroon ng pagkakataon na magtanong at magbahagi ng mga karanasan ang mga guro. Marami silang natutunan at nais pa nilang makibahagi muli sa mga talakayan na tulad nito lalo na kung ang pag-uusapan ay tungkol sa mga paraaan kung paano nila maituturo ang kanilang paksa ng mas epektibo at mahikayat ang mga estudyante na maging mahusay at makasanayan ang pagsasalita sa wikang Filipino.
Natapos ang seminar sa pangwakas na pananalita ni Dr. Jean Saludadez, Vice-Chancellor for Finance and Administration ng UPOU. Nagpasalamat sya sa lahat ng dumalo at hinikayat ang lahat na huwag maging dayuhan sa sariling wika. (Anna Cañas-Llamas)

Uy mare! Narinig mo na ba? May 𝗹𝗶𝗯𝗿𝗲𝗻𝗴 𝗼𝗻𝗹𝗶𝗻𝗲 𝗰𝗹𝗮𝘀𝘀 daw ang University of the Philippines Open University (UPOU) Ugnayan ng Pahinungód UPOU at Faculty of Managemnet and Development Studies (FMDS) ngayong Mayo!Sumali na sa 𝗢𝗻𝗹𝗶𝗻𝗲 𝗠𝗼𝘁𝗵𝗲𝗿𝘀’ 𝗖𝗹𝗮𝘀𝘀 𝗼𝗻 𝗡𝗲𝘄𝗯𝗼𝗿𝗻 𝗮𝗻𝗱 𝗜𝗻𝗳𝗮𝗻𝘁 𝗖𝗮𝗿𝗲! Ito ay isang 𝘀𝗲𝗹𝗳-𝗽𝗮𝗰𝗲𝗱 𝗮𝘁 𝗼𝗻𝗹𝗶𝗻𝗲 𝗰𝗼𝘂𝗿𝘀𝗲 na handog sa inyo ng UPOU Ugnayan ng Pahinungód katulong ng UPOU Faculty of Management & Development Studies, Department of Health Disease Prevention and Control Bureau at Safe Motherhood Program ng DOH CALABARZON.Ano ang matututunan sa kursong ito?✅ Mga mahahalagang hakbang para sa isang malusog na pagbubuntis✅ Mga senyales at sintomas ng pagbubuntis na dapat bigyang pansin ✅ Bakit mahalaga ang walong antenatal care visits✅Tamang breastfeeding techniques para sa masustansiyang pagpapakain ng sanggol✅Ligtas at tamang hygiene practices para sa inyong newborn ✅At marami pang iba!Kung nais mong makibagi at maging handa bilang isang ina, mag-register na sa anumang link sa ibaba!tinyurl.com/OMC2025 tinyurl.com/OMC2025 tinyurl.com/OMC2025 Sama-sama tayo tungo sa ligtas na pagbubuntis at panganganak! 🤱🫶Makibahagi. Maglingkod. Magpahinungod. #PahinungodOMC, #CallforParticipants, #FreeMOOC ... See MoreSee Less
View on Facebook
Twitter feed is not available at the moment.