(L-R) Ms. Dona Lyn Piamonte, Kalihim; Dr. Queenie Ridulme, Presidente ng AUPAEU-UPOU Chapter; at Asst. Prof. Regine Karla Bagalanon, Bise Presidente para sa Kaguruan

(L-R) Ms. Dona Lyn Piamonte, Kalihim; Dr. Queenie Ridulme, Presidente ng AUPAEU-UPOU Chapter; at Asst. Prof. Regine Karla Bagalanon, Bise Presidente para sa Kaguruan

Nakilahok ang ilang miyembro ng UP Open University (UPOU) All UP Academic Employees Union (AUPAEU) sa Pulong Ng Pambansang Konseho na ginanap noong 9-13 Abril 2025 sa Unibersidad ng Pilipinas-Mindanao sa Davao City.

Ang pagtitipon na may temang “Isulong Ang Kabag-Uhan: Unahon Ang Unibersidad Ug Katawhan” ay pinangungunahan ni UP Faculty Regent Hon. Early Sol Gadong. Dumalo mula sa UPOU sina Dr. Queenie Ridulme, Presidente ng AUPAEU-UPOU Chapter, Asst. Prof. Regine Karla Bagalanon, Bise Presidente para sa Kaguruan;  at Ms. Dona Lyn Piamonte, Kalihim. Dumalo din ang iba pang miyembro ng AUPAEU mula sa iba’t ibang Constituent Units ng unibersidad.  

Nilayon ng pulong na pag-usapan ang kasalukuyang kalagayan ng iba’t ibang balangay at ng buong organisasyon, suriin ang estado ng bansa at ng unibersidad, at higit sa lahat, maglatag ng mga resolusyon at plano para sa pagpapalakas ng makabayang unyonismo.

Itinuturing ang Pulong Ng Pambansang Konseho bilang isang mahalagang plataporma para sa pagkakaisa at pagpaplano ng mga hakbang tungo sa mas matatag at makabayang unyonismo. Ang mga layuning itinakda ay nagpapakita ng dedikasyon ng organisasyon na hindi lamang isulong ang kapakanan ng unibersidad kundi pati na rin ang mas malawakang interes ng sambayanan. Ang mga pagbabahaginan, talakayan, at pagpaplano sa loob ng limang araw na pagtitipon ay inaasahang magbubunga ng mga kongkretong hakbang tungo sa pagkamit ng kanilang mga adhikain.

Written by Ruth Rodriguez ♦ Edited by Primo Garcia and Anna Cañas-Llamas ♦ Photo submitted by AUPAEU-UPOU

Sustainable Development Goals

#UPOpenUniversity

🚨 Meet our speakers for the M-CTRAS 2025 Conference! 🚨📌 Our first keynote speaker is Dr. Janika Leoste, an Associate Professor of Educational Robotics and Assistant Professor of Didactics at Tallinn University and Tallinn University of Technology in Estonia.📌 Our second keynote speaker is Dr. Thomas Chiu, an Assistant Professor of Digital Education in the Department of Curriculum and Instruction, and the Associate Director of the Centre for University and School Partnership and the Centre for Learning Sciences and Technologies at The Chinese University of Hong Kong.📣 Finally, our invited speaker is Dr. Selay Arkün Kocadere, an Associate Professor at Hacettepe University in Ankara, Türkiye.✨ Get ready to learn from their experience and expertise in transformative and innovative mathematics education during the M-CTRAS 2025 Conference!👋 See you soon!#SDG4 #SDG4QualityEducation #SDG17 #SDG17partnershipsforthegoals #UPOpenUniversity #elearning #upoufed ... See MoreSee Less
View on Facebook
Twitter feed is not available at the moment.