Naganap ang talakayan tungkol sa “Wika at Panitikang Lokal  at Rehiyonal tungo sa Pagbubuo ng Bansa” sa OPEN Talk 15 ng UP Open University (UPOU). Ito ay ginanap noong ika-20 ng Oktubre 2021.

Ang palatuntunan ay pinamunuan ni Bb. Zoey Aluag, guro ng palatuntunan at Dr. Jayson de Guzman Petras bilang tagapadaloy ng usapan. Kasama ang panauhin sa talakayan na sina Assoc. Prof. Dr. Raniela E. Barbaza, manunulat at guro mula sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, Kolehiyo ng Arte at Literatura, UP Diliman, at Assoc. Prof. Jesus Federico C. Hernandez ng Departamento ng Linggwistiks, Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya, UP Diliman. 

(mula kaliwa sa taas) Dr. Jayson de Guzman Petras, Assoc. Prof. Dr. Raniela E. Barbaza, at Assoc. Prof. Jesus Federico C. Hernandez.

(mula kaliwa sa taas) Dr. Jayson de Guzman Petras, Assoc. Prof. Dr. Raniela E. Barbaza, at Assoc. Prof. Jesus Federico C. Hernandez.

Sa kasalakuyan, may malaking problema sa mga local at rehiyonal na wika dahil iilan ay hindi na nagagamit at may karamihan na rin ang malapit nang mawala. Ang panitikan, sa isang dako, ay may kinalaman sa sining at may gawad ng kapangyarihan mula sa iba’t-ibang pangkat etniko at ng ibang aspeto katulad ng akademiya ngunit may pagsubok din sa pagkilala at pagkahulugan sa ngayon. Bagama’t ganito ang panitikan sa kasalukuyan, ito pa rin ay buhay na buhay ngunit mayroon lamang kakulangan sa pagtatala or pagrerekord. 

Ayon kay Assoc. Prof. Hernandez, mayroon pa rin hindi pagkapantay-pantay sa wika, ngunit marapat na rin na lumayo sa naratibo na ang isang wika ay kailangan ikumpara sa iba. 

Mayroon din mga suliraning sa pag-aaral ng panitikan ayon kay Assoc. Prof. Barbaza. Isa ay ang ang problema sa mga tao at ang interes nila sa pag-aaral ng panitikan. Pangalawa ay ang suliranin sa mga teksto tulad ng mga magasin o tala na malapit ng mawala. Ang ikatlo ay ang pamantayan dahil ang kanlunranin na kasanayan na nagiging suliranin upang makalikom ng datos at teksto para pag-iralin ang rehiyonal at pambansang panitikan.  

Ika ni Assoc. Prof. Barbaza, “Sa ngayon, patuloy pa rin ang pangangailangan para magpatuloy ang paglinang sa lokal na wika at rehiyonal na panitikan.”

“Ang wika ay repleksiyon ng lipunan na meron tayo,” ika-nga ni Assoc. Prof. Hernandez, at upang mapalawig angwika at panitikan, mabuting ugaliin ang pagbabasa ng mga ito tulad na rin ng pagbabahagi ni Assoc. Prof. Barbaza. 

Upang mapanatili at mapayaman ang lokal na wika at lalo ang panitikan, hinihikayat ng mga tagapagsalita na suportahan ang mga local na aklat at akda. Ito ay makakatulong, lalo sa mga kabataan na malaman ang mga kasalukuyang pagpapaunlad sa mga ito.  

Si Bb. Zoey Aluag ang isa sa mga tagapagdaloy ng talakayan ng Open Talk 15

Si Bb. Zoey Aluag ang guro ng palatuntunan ng talakayan ng Open Talk 15

Ang OPEN Talk ay isang magazine program ng UP Open University na naglalayon na bigyang linaw ang samu’t saring mga paksa at isyu. Maaring balikan ang Open Talk 15 sa UPOU Networks at UPOU Networks FB Page.

Sustainable Development Goals

Written by Alessa Shainne Hostalero

Edited by Anna Cañas-Llamas and Joane V. Serrano

#UPOpenUniversity

58 minutes ago

A lantern that blends tradition, sustainability, and technologyThis coming Christmas season, we look back at UPOU student Sherry Mae Alcano’s “NINGNING” star lantern. Made entirely of recycled materials, her lantern honors the livelihood of Filipino communities and the traditional crafts of indigenous groups in the country.While her full work was presented through an AR platform, we are highlighting today an animated video of the lanterns, which also depicts her silent protection against the proposed phaseout of jeepneys and its impact on the livelihood of Filipinos.Watch the animated video of the lantern below.#ChristmasSeason2025 #HolidayInspiration #UPOU #DigitalArt ... See MoreSee Less
View on Facebook
Twitter feed is not available at the moment.