Sa pagdiriwang ng araw ni Andres Bonifacio noong ika-30 ng Nobyembre 2021, handog ng University of the Philippines Open University (UPOU) Multimedia Center at Faculty of Education (FEd) ang Open Talk 17 na nagtatampok l sa iba’t-ibang usapin na kaugnay ng pagsasalin ng mga dokumentong teknikal at tekstong pampanitikan sa Filipino. 

Ang mga ekspertong nagbahagi ng kanilang karunungan ay sina: Prof. Eilene Antoinette G. Nervaez, Katuwang na Propesor sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, Kolehiyo ng Arte at Literatura, UP Diliman at si Dr. Romulo P. Baquiran, Jr., Direktor, Institute of Creative Writing, Kolehiyo ng Arte at Literatura, UP Diliman.  Si Dr. Jayson de Guzman Petras, Kawakasing Dekano para sa Pananaliksik, Malikhaing Gawain, at Publikasyon, Kolehiyo ng Arte at Literatura, UP Diliman, at Affiliate Faculty sa Faculty of Education ng UP Open University, bilang tagapagpadaloy ng usapan.

Open Talk 17: Pagsasaling Teknikal at Pampanitikan sa Filipino

Kahalagahan ng Pagsasalin

Ayon kay Prof. Nervaez, ang kahalagahan ng pagsasalin lalo na ng tekstong teknikal ay may pangunahin na layunin na makapagbigay ng malinaw na impormasyon. Ito ay mahalaga lalo na sa konteksto ng Pilipinas na marami sa ating babasahin sa agham ay nasa wikang Ingles. Ito rin ay para malawakang maintindihan ng mga tao ang mga teksto upang maging mas ligtas lalo na sa usapin ng COVID-19. 

Ayon naman kay Dr. Baquiran, ang pagsasalin naman ay nakakatulong upang ang mga tao ay lubos na makapagpalitan ng kaalaman na inihalintulad nya sa barter o pakikipag-kalakalan.

Dr. Jayson de Guzman Petras at Prof. Eilene Antoinette G. Nervaez

Dr. Jayson de Guzman Petras at Prof. Eilene Antoinette G. Nervaez

Pamantayan sa Pagsasalin ng Tekstong Pampanitikan at Teknikal sa Digital

Ibinahagi ni Dr. Baquiran na may pagkakapareho ang pagsasalin ng tekstong pampanitikan at pagsalin ng tekstong teknikal sa digital. Pinalawak niya na dapat ay may karampatang kaalaman sa mga tekstong ito upang tuluyan na maintindihan at epektibong maisalin ang kahulugan at nilalaman ng dalawa. 

Ipinaliwanag din ni Dr. Baquiran na ang iba sa pagsalin ng tekstong teknikal sa digital ay mas nagtatalakay ito ng direksyon kaysa sa nagpapahayag, o mas limitado ng emosyon, at kinakailangan ng kasanayan sa pagsasalin.

Dr. Romulo P. Baquiran, Jr.

Dr. Romulo P. Baquiran, Jr.

Pag-aaral ng Pagsasalin

Ayon kay Prof. Nervaez, napakahalaga ng pag-aaral sa pagsasalin sa pagpapaunlad ng bayan dahil nakakatulong ito sa pagpapalaganap ng kaalaman sa mga mamamayan.

Malaki ang potensiyal ng pagsasalin upang matulungan ang mga mamamayan na mas maintindihan ang mga konteksto at mga termino  at upang  mapalawig ang kanilang karunungan tungkol sa mga bagay na maaaring makatulong sa kanila. 

Mapapanood ang rekorded na talakayan ng Open Talk 17 sa UPOU Networks – Multimedia Center Facebook Page

Sustainable Development Goals

Written and Screen Captures by Alessa Shainne Hostalero

Edited by Joane V. Serrano and Anna Cañas-Llamas

#UPOpenUniversity

21 minutes ago

A lantern that blends tradition, sustainability, and technologyThis coming Christmas season, we look back at UPOU student Sherry Mae Alcano’s “NINGNING” star lantern. Made entirely of recycled materials, her lantern honors the livelihood of Filipino communities and the traditional crafts of indigenous groups in the country.While her full work was presented through an AR platform, we are highlighting today an animated video of the lanterns, which also depicts her silent protection against the proposed phaseout of jeepneys and its impact on the livelihood of Filipinos.Watch the animated video of the lantern below.#ChristmasSeason2025 #HolidayInspiration #UPOU #DigitalArt ... See MoreSee Less
View on Facebook
Twitter feed is not available at the moment.