Tinampok sa Open Talk 17 ang Pagsasaling Teknikal at Pampanitikan sa Filipino
superadmin2023-04-20T14:02:54+08:00Sa pagdiriwang ng araw ni Andres Bonifacio noong ika-30 ng Nobyembre 2021, handog ng University of the Philippines Open University (UPOU) Multimedia Center at Faculty of Education (FEd) ang Open Talk 17 na nagtatampok l sa iba’t-ibang usapin na kaugnay ng pagsasalin ng mga dokumentong teknikal at tekstong pampanitikan sa Filipino. Ang mga ekspertong nagbahagi ng kanilang karunungan ay sina: Prof. Eilene Antoinette G. Nervaez, Katuwang na Propesor sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, Kolehiyo ng Arte at Literatura, UP Diliman at si Dr. Romulo P. Baquiran, Jr., Direktor, Institute of Creative Writing, Kolehiyo ng Arte at Literatura, [...]