Open Talk 15: Wika at Panitikang Lokal/Rehiyonal sa Pagbuo ng Bansa

Tampok sa OPEN Talk ngayong ika-20 ng Oktubre 2021 ang tungkol sa wika at panitikang lokal at rehiyonal  tungo sa pagbubuo ng bansa. Pag-uusapan natin ang kalagayan ng mga lokal at rehiyonal na wika at panitikan. Paano ba nakapag-aambag ang mga ito sa ating wika at panitikang pambansa? May diskriminasyon pa bang nagaganap dito ngayon? Paano ba natin mapananatili ang paggamit o pagtangkilik sa mga ito?


Upang talakayin ang mga usaping nabanggit, makakasama natin ang sumusunod na mga guro mula sa Unibersidad ng Pilipinas:

• Assoc. Prof. Dr. Raniela E. Barbaza Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, Kolehiyo ng Arte at Literatura, University of the Philippines Diliman

• Assoc. Prof. Jesus Federico C. Hernandez, Departamento ng Linggwistiks, Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya, University of the Philippines Diliman

Si Dr. Jayson de Guzman Petras ang magiging tagapagpadaloy ng usapan. Si Dr. Petras ay ang Kawaksing Dekano para sa Pananaliksik, Malikhaing Gawain, at Publikasyon, Kolehiyo ng Arte at Literatura, UP Diliman at Affiliate Faculty sa Faculty of Education ng UP Open University.

 
Ang OPEN Talk ay mapapanood sa ika-20 ng Oktubre 2021, mula ika-6:00 hanggang ika-7:00 ng gabi (GMT+8) sa networks.upou.edu.ph/opentalk at sa https://www.facebook.com/UPOpenUniversityNetworks

#UPOpenUniversity

IN PHOTOS: The UPOU Center for Open and Digital Teaching and Learning kicks off the Blended Training on ODeL Curriculum, Technical Infrastructure Management, and Program Administration for the Community-Based Statistics Service of the Philippine Statistics Authority with its first face-to-face session.For more information on CODTL’s training programs and services, visit codtl.upou.edu.ph.#CODTLTraining #UPOpenUniversity #ODeL ... See MoreSee Less
View on Facebook
Twitter feed is not available at the moment.