Sa pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan, ating tatalakayin sa OPEN Talk na ito ang pagsusulong sa usaping kababaihan sa wika at panitikang Filipino. Ano-ano ang ating mga napagtagumpayan at nananatiling hamon? Paano tayo patuloy na titindig sa isang lipunang may pagkakapantay-pantay sa usapin ng kasarian at seksuwalidad?

 Ating alamin ang sagot sa mga tanong na ito sa OPEN Talk episode na pinamagatang
“Tindig sa Tinig: Ang Kababaihan sa Wika at Panitikang Filipino.”

 Ang episode na ito ay nabuo sa pakikipagtulungan sa Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman (SWF-UPD). Ang mga tagapagsalita ay sina:

  • Dr. Glecy C. Atienza – Propesor, Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, UP Diliman
  • Dr. Pia C. Arboleda – Propesor, Filipino Language and Culture, University of Hawaii at Manoa

Ang tagapagpadaloy ay si Gng. Elfrey Vera Cruz-Paterno, Mananaliksik ng Unibersidad mula sa Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman.

 Mapapanood ang OPEN Talk: “Tindig sa Tinig: Ang Kababaihan sa Wika at Panitikang Filipino.” sa ika-15 ng Marso 2023 (Miyerkoles), mula ika-10:00 hanggang ika-11:00 ng umaga (GMT+8) sa networks.upou.edu.ph/opentalk at sa https://www.facebook.com/UPOpenUniversityNetworks

#UPOpenUniversity

UP Open University stands with the Filipino people in expressing deep concern over the recent public infrastructure fiasco. We firmly deplore the orchestrated and systemic graft and corruption in the country’s public works. Read the complete statement below or read more here: www.upou.edu.ph/news/up-open-university-calls-for-accountability-and-open-governance-on-the-recen... ... See MoreSee Less
View on Facebook
Twitter feed is not available at the moment.