OPEN Talk Episode 25 "Ginhawa sa Lusog-Isip at Pagtanda: Pagtugon sa Estado ng Isip at Katawan"

Paano ba natin masasabi na tayo ay maginhawa o malusog sa aspektong pisikal at mental? Paano ba natin matatamo ang isang kaaya-ayang buhay sa kabila ng mga hamon na ating nararanasan dulot ng pisikal, emosyonal, at sosyal na kalagayan?

Ito ay ilan lamang sa mga tanong na tatalakayin sa OPEN Talk episode na “Ginhawa sa Lusog-Isip at Pagtanda: Pagtugon sa Estado ng Isip at Katawan” na binuo ng Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino (PSSP) at ng UPOU Multimedia Center.

Ang mga tagapagsalita sa episode na ito ay ang sumusunod na mga kasapi ng PSSP:

  • Dr. Violeta V. Bautista, R.Psy., Professor Emeritus, Departamento ng Sikolohiya, UP Diliman, at Direktor, UP Diliman Psychosocial Services (UPD PsycServ)
  • Dr. Divine Love A. Salvador, R.Psy., Kawaksing Propesor, Departamento ng Sikolohiya, UP Diliman, at Clinical Supervisor, UPD PsycServ
  • Dr. Michelle G. Ong, Kawaksing Propesor, Departamento ng Sikolohiya, UP Diliman

Makakasama din si Dr. Eda Lou Ochangco, Kawaksing Propesor mula sa Departamento ng Sikolohiya, Far Eastern University, bilang moderator.

Mapapanood ang OPEN Talk: “Ginhawa sa Lusog-Isip at Pagtanda: Pagtugon sa Estado ng Isip at Katawan” sa ika-13 ng Hulyo 2022, mula ika-10:00 hanggang ika-11:00 ng umaga (GMT+8) sa networks.upou.edu.ph/opentalk at sa https://www.facebook.com/UPOpenUniversityNetworks

#UPOpenUniversity

Today@UPOU: Empowering Barangays through Digital TransformationStudents of PM289 (Special Problems in Voluntary Sector Management) under the Master of Public Management Program, led by Assistant Professor Edmerson Z. Calungsod, facilitated a training workshop titled “Towards Barangay E-Governance: A Training Series on Barangay Digital Transformation (Basic Google Workspace and Data Management).”This activity is part of the Barangay Digital Transformation Project, which aims to empower barangay officials and personnel to become #DigitallyReady in line with the growing demand for digital governance.The workshop, held on 30 April 2025, from 1:30 to 4:30 PM at the AVR, UPOU, Los Baños, Laguna, was attended by officials and staff from Barangay Maahas. #UPOpenUniversity #UPOU #FMDS #DigitalTransformation #Datamanagement #Googleworkspace #SDG4 #Digitallyready ... See MoreSee Less
View on Facebook
Twitter feed is not available at the moment.