Open Talk 36 "Sikolohiyang Pilipino sa Wika, Panitikan, at Midya"

Para sa episode na ito, ating tatalakayin ang tungkol sa Sikolohiyang Pilipino (SP) at ang paglalapat nito sa mga aralin sa wika, panitikan, at midya sa hay-iskul at sa kolehiyo. Paano ba epektibong mailalahok ang mga kaisipan ng SP sa larang ng wika, panikitan at midya? Paano rin naman mapagyayaman ng mga nasabing larang ang pagtalakay sa SP?

 Ating alamin ang sagot sa mga tanong na ito sa panibagong episode ng OPEN Talk na pinamagatang “Sikolohiyang Pilipino sa Wika, Panitikan, at Midya.”

 Ang episode na ito ay binuo sa pakikipagtulungan sa Pambansang Samahan ng Sikolohiyang Pilipino (PSSP). Ang mga tagapagsalita ay sina: 

  • Dr. Alwin C. Aguirre – Propesor, Departamento ng Brodkasting, UP Diliman
  • Kat. Prop. Charmaine P. Galano  – Katuwang na Propesor, Departamento ng Sikolohiya, UP Diliman

 Ang tagapagpadaloy ay si Dr. Jayson D. Petras, mula sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, UP Diliman at Pangulo ng Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino.

Mapapanood ang OPEN Talk: “Sikolohiyang Pilipino sa Wika, Panitikan, at Midya.” sa ika-16 ng Hunyo 2023 (Biyernes), mula ika-2:00 hanggang ika-3:00 ng hapon (GMT+8) sa networks.upou.edu.ph/opentalk at sa https://www.facebook.com/UPOpenUniversityNetworks

#UPOpenUniversity

This message is only visible to admins.
Problem displaying Facebook posts. Backup cache in use.
Click to show error
Error: Error validating access token: The user has not authorized application 1332798716823516. Type: OAuthException
Twitter feed is not available at the moment.