talaSalitaan Online: Episode 2 - AI Naku! Ang Epekto ng Teknolohiyang Artificial Intelligence sa Wika

Ngayong Oktubre, ihahatid ng Sentro ng Wikang Filipino-UP Diliman (SWF-UPD) at Center for Open and Digital Teaching and Learning ng UP Open University (UPOU-CODTL) ang ikalawang episode ng 𝘁𝗮𝗹𝗮𝗦𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮𝗮𝗻 𝗼𝗻𝗹𝗶𝗻𝗲: 𝗧𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘆𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗪𝗶𝗸𝗮𝗻𝗴 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼, 𝗔𝗸𝗮𝗱𝗲𝗺𝘆𝗮, 𝗮𝘁 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻. Ang Talasalitaan ay regular na talakayan na isinasagawa ng Sentro ng Wikang Filipino-UP Diliman (SWF-UPD) na nagtatampok ng iba’t ibang paksa o isyu na may kaugnayan sa wikang Filipino mula sa iba’t ibang disipina. Nagbabanyuhay ito sa anyong online para maipahatid sa nakararami ang mga napapanahong usapin sa wikang Filipino at ang kaugnayan nito sa mga pangyayari sa akademya at bayan.
Para sa ikalawang episode, magbibigay-tuon ang programa sa Artificial intelligence (AI) at ang implikasyon nito sa pagtuturo, pagkatuto, at iba pang usaping pangwika. Ano-ano ang mga oportunidad at hamon na binubuksan ng teknolohiyang ito? Paano ito tinutugunan ng mga akademikong institusyon gaya ng UP?
Magsisilbing mga Tagapagsalita sina:
(1) Dr. Reinald Adrian Pugoy, Direktor ng UPOU ICTDO;
(2) Dr. Rhandley D. Cajote, Propesor mula sa UPD Kolehiyo ng Inhenyeriya; at
(3) Dr. Renier G. Mendoza, Kawaksing Propesor mula sa UPD Kolehiyo ng Agham.
Tatayong Tagapagpadaloy ang Kawaksing Mananaliksik ng SWF-UPD na si Mx. Nalla E. Avena.
Halina’t makilahok sa isang oras na talakayan tungkol sa wikang Filipino, akademya, at bayan! Mapapanood ito nang live sa 23 Oktubre 2023 (Lunes), 2:00 nh – 3:00 nh sa SWF-UPD platforms <https://www.facebook.com/swfupdiliman>  <https://www.youtube.com/@swfupd> at sa UPOU platforms <https://www.facebook.com/UPOpenUniversityNetworks> <networks.upou.edu.ph/talasalitaan-online>

#UPOpenUniversity

📌 𝐈𝐦𝐩𝐨𝐫𝐭𝐚𝐧𝐭 𝐀𝐧𝐧𝐨𝐮𝐧𝐜𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐫𝐞𝐠𝐚𝐫𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐅𝐄𝐝 𝐄𝐝𝐮𝐏𝐞𝐫𝐲𝐚! 📌📣 In light of the announcement from the Office of the Governor of Laguna regarding the suspension of face-to-face classes all over Laguna from 14-31 October 2025, please be informed that FEd EduPerya, which is scheduled on 27-28 October 2025, 𝐡𝐚𝐬 𝐛𝐞𝐞𝐧 𝐩𝐨𝐬𝐭𝐩𝐨𝐧𝐞𝐝 𝐮𝐧𝐭𝐢𝐥 𝐧𝐞𝐱𝐭 𝐲𝐞𝐚𝐫. This is to ensure the health and safety of all our participants.We sincerely apologize for the inconvenience this may cause and appreciate your understanding. Nevertheless, we eagerly anticipate your participation in this event! ✨👋 See you there next year! 🎈#fededuperya #fedupou #UPOpenUniversity📌 𝐈𝐦𝐩𝐨𝐫𝐭𝐚𝐧𝐭 𝐀𝐧𝐧𝐨𝐮𝐧𝐜𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐫𝐞𝐠𝐚𝐫𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐅𝐄𝐝 𝐄𝐝𝐮𝐏𝐞𝐫𝐲𝐚! 📌📣 In light of the announcement from the Office of the Governor of Laguna regarding the suspension of face-to-face classes all over Laguna from 14-31 October 2025, please be informed that FEd EduPerya, which is scheduled on 27-28 October 2025, 𝐡𝐚𝐬 𝐛𝐞𝐞𝐧 𝐩𝐨𝐬𝐭𝐩𝐨𝐧𝐞𝐝 𝐮𝐧𝐭𝐢𝐥 𝐧𝐞𝐱𝐭 𝐲𝐞𝐚𝐫. This is to ensure the health and safety of all our participants.We sincerely apologize for the inconvenience this may cause and appreciate your understanding. Nevertheless, we eagerly anticipate your participation in this event! ✨👋 See you there next year! 🎈#FEdEduPerya #FEdUPOU #UPOpenUniversity ... See MoreSee Less
View on Facebook
Twitter feed is not available at the moment.