Ugnayan ng Pahinungód UP Open University nagsagawa ng unang serye ng webinar
superadmin2023-04-24T14:02:29+08:00Noong 12 Agosto 2020, matagumpay na nairaos ng Ugnayan ng Pahinungód UP Open University (UPOU) ang unang sesyon na may pamagat na Pagtuturo ng Pagbasa bilang bahagi ng “At Home sa Pagbasa” webinar series. Tumayong punong tagapagsalita si Michelle Agas, kasalukuyang gradwadong mag-aaral ng Language and Literacy Education ng UPOU at host ng Wikaharian sa Knowledge Channel. Ang webinar series na ito ay isang pagtugon sa hinaharap na mga hamon ng mga guro kaugnay ng implementasyon ng online at distance education. Tinalakay ni Michelle Agas ang iba’t ibang paraan sa paglinang ng kakayahan ng mga bata sa pagbasa ngayong sila [...]